E hindi ka graduate.
Ang sakit no? asing sakit pa sa pagiging heartbroken at eto na rin siguro ang dahilan ng pagiging bitter ko o ako lang ba talaga ang mahilig manliit sa sarili ko? Ito na yata ang pinakamasakit na statement na narining ko araw-araw sa utak ko. Yung feeling na dinudurog at patuloy kang dinidisappoint. Masakit dahil sa hindi ko ma-meet yung standards na binibigay ang mundo. Hindi ako fit-in. Sad story. Period.
Hindi ko alam kung ako lang ba talaga ang may ganitong sentimyento o madrama lang ba talaga ako? I'm out of school for almost 7 years. Yes, at sa loob ng maraming taon na yon, paulit-ulit rin akong natotorete sa thought na may opportunity na silang idiscriminate ako. Para silang mga villains sa buhay ko na walang ibang ginagawa kundi ang sabihin o kaya ipamukha sa'yo na di ka bagay dito. Wala kang anumang lisensyang katunayang kaya mong makipagsabayan sa'min.
Minsan, este napakadalas kong hobby na ang mag-self pity. Kung sa bagay, kung i-cocompare ko ang sarili ko versus sa sentiments ng ibang kakilala ko, aba'y nasa normal pa naman ata ako.
Sobrang mahal ko si mommy. Pero sa tuwing sasabihin nyang "Si Bea ay gagraduate na.." nagpapalpitate ako bigla. Hindi naman sa hindi proud yung nanay ko sa kin pero deep inside ko, naiinggit ako. Super! Hahahaha. Pero, I'm a super proud ate. Baka ako yung humagulgol sa graduation ng kapatid ko dahil assuming ako na graduation rites ko yun. Hahahaha! I will always be grateful of having sponsors na sila Tita Lanie at Tito Jun Velasco para maipagpatuloy ng kapatid ko ang naudlot kong pangarap.
May mga pagkakataon pang feeling mo na wala ka na ngang College Diploma, ipaparamdam pa sa'yo ng mga relatives mo yung katotohanang hanggang dyan ka na lang ba talaga. There was a time na sinabi ng isang Tito ko, "Mag-asawa ka na lang ng mayaman baka sakaling may mapuntahan yang kinabukasan mo." and another Tito was like "Wala ka na namang trabaho? Di ka kase mapirme sa trabahong meron ka.." Sige at some part di naman totally masama loob ko sa kanila. Ang sa akin lang maging sensitive po kayo. Sensitive po ako di lang halata. Makakareceive ka nga ng tulong pero siguro yung tira-tirang tulong o sapilitang tulong. Dahil di ka graduate, di ka pwedeng magmayabang sa harap nila. Pektus ang katapat mo. Lalo na sa mga taong tinitingnan mo ng mataas sa bandang dulo sila pa tong magbababa sa'yo. Kesyo mas matanda sila o sadyang sasabihin ng kilos nilang, wala kang alam.
Sa dinami-dami ng natulungan ng mga magulang ko dahil sa sobrang kabaitan nila, natuto lang talaga akong, wag ng umasang maibabalik yung kabaitan na yun. Siguro sa ibang paraang di ko lang talaga maapreciate. Di bale na, ang mahalaga wala tayong utang na loob sa kanila. Pinalaki ka ng magulang mo ng maayos di naman nila sinabing kapag nawala kami, sila magpapatuloy ng pag-aaral mo. Walang kontrata.
Madaming beses ng alam ko sa sarili ko ang mga kaya kong gawin pero bakit habang tumatanda at mas nakikita ko ang mga nakababatang mga henerasyon na mas mataas pa ang nararating kaysa sa kin, di ko maiwasang manghinayang. Parang may kulang. Di ko makuha ang posisyon o trabahong gustong-gusto ko dahil sa isang malaking sign board. DI KA GRADUATE.
Ang masakit doon, pag minsan gusto mo yungtrabaho at meron ka ng lahat-lahat ng skill o kaya mo namang pag-aralan lhat ng kaya nilang gawin, makakarinig ka ng "Ano ngang tinapos mo? o anong course mo?" Dahil nag di ka ka-uri nila, libe na silang ijudge ka base sa kung alam nila sa'yo.
Sa lahat ng katulad kong undergrad o di man lang nakatungtong ng college. Ramdam na ramdam ko kayo. Ramdam na ramdam natin ang takbo ng sistema na meron tayo. Siguro nga di lang talaga ako kasama sa samahan ng mga taong madiskarte. Magkakaroon din tayo ng puwang sa mundong kailanman di natin ginustong di makatapos.
No comments:
Post a Comment