Thursday, October 22, 2015

Ugong

"Sa hindi inaaasahang
Pagtatagpo ng mga mundo
May minsan lang na nagdugtong,
Damang dama na ang ugong nito."
 --Tadhana (Up Dharma Down)

Sa pagkakataong ito, tapos na tayo.
Sa pagkakataong ito, magkaiba na ang ating mundo.
Sa pagkakataong ito, di na ako ang kausap mo
Para malaman bawat sabik sa boses mong sadyang kay tamis.

Ibang mundong parang magkalapit,
Magkaibang mundong may dimensyong malupit.
Di ba sa bandang iyon ikaw ay nakatago na,
Di ba sa bandang iyon, ika'y tuluyan naglaho na.

Ikaw ay parte ng kahapong kahit kaila'y di maibaon.
Parte ng bawat sistemang pilit naglalayo.
Parte ng ala-alang puro masasaya,
Sadyang di na tayo makakabalik sa dako roon.

Isang iglap sa bawat araw ako ay natutuliro,
Parang may hanging humahalik at ako'y napapaamo.
Di man wari na ika'y maisip muli,
Pero bakit, bakit at bakit ang tanong na walang tigil.

Ito na muli ang panibagong simula,
Ng mga bagong tadhanang masarap balik-balikan.
Muling gagawa ng mga bagay para sumaya,
Na kahit wala na, tutuloy pa rin ang buhay.




No comments:

Post a Comment