Ikatlong beses na
pagdaan sa ala-alang nakalimutan ko na.
Sa mga damdamin at
sakit na naibaon sa gitna ng mga kahapon.
Sa likod ng
masasayang bahagharing pinagtagpi-tagpi ng bawat ngiti.
Sa likod ng bawat
pag-asang bumuhay sa araw araw na pangungulila.
Babalik pa kaya?
Ito ay para sa
ikatlo.
Para sa paulit-ulit
kong pagbitaw.
Para sa paulit-ulit
kong pagkapit.
Para sa paulit-ulit
kong pag-iisip.
Para sa paulit-ulit
kong pagtatago.
Ito ay ang ikatlo.
Ang ikatlong taon na
okay na.
Ikatlong taong wala
na talaga.
Ikatlong beses kong
sasabihing tama na.
Dahil sa pangatlo,
ako'y napagod na.
Kaya paalam, marahil
ito na nga ang dulo.
At wawakasan na ang
mga tadhanang kailanma'y di naman nagtagpo.
Mga ala-alang di na
rin naman na nadugtungan.
Mga pagkakataong
ginusto ko pa rin maghintay pero ayoko na.
Marahil sa ikatlo na
nga ang wakas.
Marahil ito na nga
ang binulong ng madamot na kapalaran.
Marahil ito ang
dulong di na magkakaroon pa ng saysay.
Marahil wala na
ngang sagot sa mga tanong na naiwan.
Naubos ang lakas
para lumaban.
Maraming sinayang na
oras at luha.
Kumapit sa mga dasal
na pinanghawakan sa matagal na panahon.
Pero baka nga sa
dulo ng ikatlo ok na to.
Bibili muli ako ng
mga pagkakataon.
Makikipaglaban kay
tadhana na para lang umayon.
Makikipagtawaran
hanggang sa mapagbigyan.
Hanggang sa mabawi
kita sa abot ng aking makakaya.
Pero kung ang dulo
na sadyang mapait
At ang kapit ay
hindi na mahigpit.
At hinding-hindi na
magbibigay palugit.
Aasa pa rin ako sa
mga matyatyagang mga dasal.,
Na patuloy
panghahawakan hanggang sa dulo ng ikatlo.
Kaya pa ba?
Tama na.
Bitaw na.
Okay na.
Napatawad na kita.
Napatawad na kita.