Thursday, December 13, 2012

May Rain

Old Stories from May :)) Just wanna post ngayon. Chillax and read my symphonies ♥


I enjoyed the rain as it falls down from up above. 1st rainfall for the 1st day of the month of May 2012. Whew. Umulan din after the long days of hotness. A nostalgic feeling come to me as i watched it falls. It was a relief from the irritating scorching heat of the sun. The past weekend was really amazing and He just showered me with the blessings that weekend. SFC Heat 7-FIRED-UP.
An unexpected budget from someone who did’nt know me well.
A beautiful creation of the seashore.
Worship at the midst of the sun.
Dear friends that join the said conference.
A temporary escape from urban world.
Most of all, I Experience Your ulimate love for ME, Your PRINCESS.
He just properly placed those blessings for me to be able to appreciate them more. For me to be able to know that ‘There is really more to this life’ than my worries, fears, bitterness, anxieties and my so-called insecurities. Kahit pagod na katawan from sleeping sa tent at untiring praktice ng dance min that week, Kahit nasunog ulit ako sa pagbabad sa gitna na araw. Kahit maligaw sa Amazing Race game, Kahit hindi kme ang champion sa lahat ng game, Kahit nakiki-Camera lang, Kahit nasugatan na ang paa ko, Kahit wala pang masyadong tulog, Kahit di ako nakapagdala ng bigas, Kahit di ko makita ung t-shirt, Kahit nagkamali ng konti sa steps, Kahit amoy usok na sa talk, Kahit Mag-high tide na shore. Lord, para sa’yo FIRED-UP AKO MAG-SERVE SYO!
Then just a while ago. Few minutes lang tlaga while im typing this so-called blog? Haha. I realize something na parang i don’t know why it keeps on repeating in my head. Maybe a sort of that nostalgic momentum from the rain. ( I just really love the rain) Bigla akong ngtxt. ’Lord, I really want to fall inlove again’ pero wala pa nmn ikaw bnbgay. Is it a sign that my heart already moved on from the past hurtings it undergone? A week before din when I asked my friend Jen dat same statement. Lord, Im ready na po. With full of conviction. Pero wala talaga,as in wala. Im happy lang na okay na pla tlaga ako. Okay na yung puso ko. Para pag may dumating na, I know I can love him whole-heartedly. (NAKS) I know nmn na im super ready na,pero hinay-hinay na lng ulit si ako. 
Sana patuloy umulan hanggang mamayang gabi. 
Malamig sa pakiramdam.
Pambawas init ulo.
Pambasa sa tuyot na kalsadang naaagnas.
Pampawala ng irita.
Pan-chill sa summer.
O ano pa ba?

Monday, November 26, 2012

Tsinelas101

          I admit noon, fan talaga ako ng sapatos mapa-Chucks at Vans lalo. Pero magbabago at magbabago pala talaga ang pananaw natin sa buhay parang pagbabago lang ng mga priorities natin pati mga nais natin gamitin at makuha. Tsinelas na siguro ang sumasalamin sa personalidad ko ngayon di ko alam bakit yon. Pero makailang beses na rin ako napagalitan ng kung sino-sino dahil sa pagsusuot ko nito sa maling lugar at okasyon. Nakaktuwa diba. Di ko tlga ,aiwasang di magpalit nito kahit nasa bonggang party na ko. Naks! Out-going, laid-back, chill lang. Sakto sa lahat. Tsinelas na ata ang gamit ko sa bawat paglalakbay ko ngayon kung di man, sigurado akong may baon ako sa bag ko, although may magsasabi na mahihirapan kang gamitin yan pag medyo malubak ang daang dadaanan mo o di kaya'y mabato. Tipong bibiguin ka rin nito. Siguro, sa paglalakbay kong ito, isa lamang akong tsinelas pa. Pero sa pagiging tsinelas ko, hindi rin ito ang batayan sa pagkatao ko. Mayaman man o mahirap pwede magsuot nito. Pag nakasuot ka nito, mas napapanatili ang kababaang-loob at pagiging simple ng sarili. Walang kaartehang taglay. Haha. Di ko rin alam kung bakit ito nag sinusulat ko sa ngayon. Wala rin siguro ako maisip na iba. Dahil ang aking tsinelas, may tatak man o wala, bago man o luma, makulay man o hindi. Isusuot ko ito sa paglalakbay ko sa misyon kong ito. :)) At ang tsinelas kong ito, san man makarating, tiyak may bagong adventure na susuungin. Nahihirapan man akong dumaan sa mabato at malubak na daan, ang alam ko sing-tibay naman ng loob ko ang tsinelas na meron ako sa ngayon. Kahit sa simpleng tig-50 pesos ay masya na ang batang minsa'y naghahangad at pinangarap ang tsinelas na meron ang iba. Pero ang tsinelas ko ang pinaka maswerte, dahil kasama nito sa paglalakbay si Papa God :) ♥

#Happy to serve
#Thank you Lord.

Thursday, November 15, 2012

Missyonero Part 2

         Sabi nila, may mga bagay na para sa'yo at may mga bagay na hindi para sa'yo. Pero para sa kin, may mga bagay na pwedeng ipilit ilaan para sa sarili kung alam mong dapat sana'y para sa'yo ito. (Naks!) Tyaga, tamang panahon, pasensya matatag na puso at si Kristo ang mga kakailanganin mo para dito. Survival of the fittest ika nga nila. Patatagan ang labanan. Yun ang uso sa ngayon. Dahil may mga hamon ang buhay na sadyang nakalaan lamang para sa'yo. at walang ibang pwedeng maka-full fill kundi ikaw lang. Kanya kanya tayong papel sa buhay. Matira matibay. 
         Di nga talaga matandaan ang saktong lugar, araw, panahon at pagkakataon kung kailan ko nasabi sa sarili ko ito na ang gusto kong daan na tahakin. Naalala ko lang nung bata ako, sa tuwing tatanungin ako ng kung sino man ang crush ko, ang isasagot ko agad. "Wala po.. Magmamadre po ako.." Pero sa pagkakataong ito, iba na pala ang pinag-uusapan. Nakataya ang buhay, prinsipyo at pananaw mo. Maraming beses kang susubukan. Maraming beses kang madadapa at sadyangf mararamdaman mo na lng na ang sakit pala. Minsan di mo pansin ang laki na pala ng sugat at malalim pa ang masaklap don. Ang salitang  Full-Time Pastoral Worker ay ang mga salitang paulit-ulit umuulit sa damdamin ko hanggang sa tenga papuntang utak. Parang LSS ang dating. Lumalakas kada isang dasal. Tumitindi sa bawat worship at sa bawat mga taong nakakasalamuha mo. At lalo na kung makikita mo ang misyon mo ay yung mga taong nakapaligid sa'yo. 
         Si Kuya Omeng na siguro yung isa sa mga unang taong naka-impluwensya sa kin na gawin to pangalawa sa mga magulang ko. Pero bukod sa impluwensya, crush ko muna sya. Haha. Sa kanya ko unang nakita si Kristo. Di ko rin naman pinagtutuunan ng pansin noon. Ang akala ko uso lang talaga ang ganon. Sa mga oras na nakasama ko sya, ginabayan nya ko sa pagkilala sa Kanya. Tumayo syang kuya ko. Sayang na nga lang at kasama na rin sya ni Lord ngayon. Ganun pala nag pakiramdam. Isang tawag sa loob ng sarili mo. Hindi mo alam kung sasagutin mo o sadyang isang missed call lang nag nagaganap. 
         Pangarap ko pa rin naman ang maging Full Time Pastoral Worker ni Kristo. Hindi man sa YFC, kahit saan mo ako dalhin, papayag ako. Di ko nga alam kung anong transformation ang naganap sa kin  habang dumadaan ang mga taon. Isang uso lang to dati hanggang sa ito na rin pala yung ginugusto talaga ng puso ko sa  ngayon. I know i can still be a missionary in my own littliest ways. Patuloy ko itong tutuparin. Pilit ko paring ihahanda tong pusong ilang beses ng sumubok, pumalpak, nadapa, bumabangon at patuloy na lumalaban para Sa'yo. Kanya-kanyang tamang panahon lang yan. Kung kailan, Ikaw na po makakapagsabi. Salamat po at patuloy nyo lang pinatatag tong pusong minsan ng nagduda, nagalit at nagtampo. Pero sa kabila ng lahat patuloy mo pa rin po akong minamahal. Kaya handa po ako sa anumang planong gusto mong gawin sa buhay ko. Tulungan mo po ako na maging plano ko rin yung mga plano mo po sa akin, Ama. 

Saturday, November 10, 2012

Missyonero Part 1

       


  Saglit. Nag-iisip ng kwento sa utak ko. Di ko pa makumpleto ang bawat salitang nais bigkasin na aking bibig. Samantalang nag-iisip nag-tweet muna ako. Then napansin ko ang oras ng pabilis ng pabilis. Bukas papunta nga pala ako sa Victoria, Laguna for a session sa CLP. Misyon ko nga to talaga. Fullfilling ang pakiramdam sa ganitong pagkakataong ngseserve ako Sa'yo. Sadya nga bang hindi mahirap mahalin ang trabahong kokonti lang ang sadyang tumatanggap. Isang bagay na ang tagal-tagal ko ng hinihintay na ibigay sa kin ng pagkakataon. Pero sadyang hindi pa ata ito nakalaan para sa kin. Baka hindi pa handa ang puso ko sa mga labang haharapin pagnakataon. Baka nga inihahanda mo pa ako.
        May mga taong alam na nila ang misyon nila sa buhay. Alam na nila kung ano sila pagdating ng panahon. Sa katulad kong di pa tapos ayusin ang sariling buhay, anong naghihintay na kapalaran? Noon di ko naman ninais na maging misyonero. Isang nakakatamad at boring na gawaing nakita ko sa buong buhay ko noon. Isang batang walang alam sa takbo ng realidad ang papel ko noon sa lipunan. Isang batang namumuhay sa maayos at saktong buhay na ang alam nya maayos naman ang lahat. Ngunit, isang pagkakataon rin lang pala ang babago ng mga pananaw na alam ko noon. Isang pangyayaring bumago sa takbo ng noo'y okay na buhay sa mata ng lahat at sa mata ko.
       Isa ako sa libong kabataang sumabak sa tinawag nilang Youth Camp. 350 pesos ang registration. Annngggg maaahhhaaalll nnnnaaaman nyan! yun ang sinabi ko sa mommy at daddy ko noon. Ano ba yang pinapasabak nyo sa kin? Alive, alive? Pero sige. Dahil ayaw ko madisappoint sila. Pumanta ako. Kasama ko mga pinsan ko. Naghahanap ako ng cute noon. Sa katulad kong 13 years old crush ang habol ko noon. 
                            " Neng, tatlong araw ka doon sa Paciano Elementary School.. " 
                             sabi ni daddy.
                 
                 Di ako sanay sumama sa mga ganong trip. Ano bang gagawin ko doon? Pero sige. Sabay sa agos lang ng sinabi nila. Di ko naintindihan yung mga sinabi ng bawat talks. Pero ang natatandaan ko, may nagbasag ng platito. Yun yung unang pagkakataong may nakita akong taong emosyonal sa harap ko. Bigla akong nagising. Biglang ako napabalik sa kung anong nangyayari noong mga oras na yon. Isang Youth Camp na sinundan pa ng napakadaming camp. Regional, International.. Sama ako. Syempre sabi ulit ng parents ko eh. Pero sa bawat talks, bawat taong ngsasalita sa harap. Sa bawat Youth Camp, sa bawat simpleng pag-seservice team, sa bawat prayer at worship na napupntahan, tila palaging may isang lalaki akong nakikita tuwing pumipikit ako. Isang lalaking di ko maaninag sa twing nagdadasal.  

                  Sa bawat taong lumilipas. Kung saan-saan na rin ako napadpad. Iba't-ibang lugar na tila tinatawag ako para mag-serve. Iba't-ibang mukhang nakakasalamuha at nakikilala at nagiging kaibigan ko. Pero sa paglipas nga naman ng panahon, ang dami ng nagbago. Isang bata na minsa'y umatend lamang ng youth camp. Isang pagkakataong bumago sa takbo ng buhay ko. Paano pala kung di ako sumama noon? Kung pinilit kong di umatend? Ganito pa rin kaya ka-fullfill ang pakiramdam? Ganito pa kaya ang pagdaraanan ko? Ganitong landas pa rin pa kaya ang tatahakin ko? 

To be continued...