I admit noon, fan talaga ako ng sapatos mapa-Chucks at Vans lalo. Pero magbabago at magbabago pala talaga ang pananaw natin sa buhay parang pagbabago lang ng mga priorities natin pati mga nais natin gamitin at makuha. Tsinelas na siguro ang sumasalamin sa personalidad ko ngayon di ko alam bakit yon. Pero makailang beses na rin ako napagalitan ng kung sino-sino dahil sa pagsusuot ko nito sa maling lugar at okasyon. Nakaktuwa diba. Di ko tlga ,aiwasang di magpalit nito kahit nasa bonggang party na ko. Naks! Out-going, laid-back, chill lang. Sakto sa lahat. Tsinelas na ata ang gamit ko sa bawat paglalakbay ko ngayon kung di man, sigurado akong may baon ako sa bag ko, although may magsasabi na mahihirapan kang gamitin yan pag medyo malubak ang daang dadaanan mo o di kaya'y mabato. Tipong bibiguin ka rin nito. Siguro, sa paglalakbay kong ito, isa lamang akong tsinelas pa. Pero sa pagiging tsinelas ko, hindi rin ito ang batayan sa pagkatao ko. Mayaman man o mahirap pwede magsuot nito. Pag nakasuot ka nito, mas napapanatili ang kababaang-loob at pagiging simple ng sarili. Walang kaartehang taglay. Haha. Di ko rin alam kung bakit ito nag sinusulat ko sa ngayon. Wala rin siguro ako maisip na iba. Dahil ang aking tsinelas, may tatak man o wala, bago man o luma, makulay man o hindi. Isusuot ko ito sa paglalakbay ko sa misyon kong ito. :)) At ang tsinelas kong ito, san man makarating, tiyak may bagong adventure na susuungin. Nahihirapan man akong dumaan sa mabato at malubak na daan, ang alam ko sing-tibay naman ng loob ko ang tsinelas na meron ako sa ngayon. Kahit sa simpleng tig-50 pesos ay masya na ang batang minsa'y naghahangad at pinangarap ang tsinelas na meron ang iba. Pero ang tsinelas ko ang pinaka maswerte, dahil kasama nito sa paglalakbay si Papa God :) ♥#Happy to serve
#Thank you Lord.
Monday, November 26, 2012
Tsinelas101
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment