Saturday, November 10, 2012

Missyonero Part 1

       


  Saglit. Nag-iisip ng kwento sa utak ko. Di ko pa makumpleto ang bawat salitang nais bigkasin na aking bibig. Samantalang nag-iisip nag-tweet muna ako. Then napansin ko ang oras ng pabilis ng pabilis. Bukas papunta nga pala ako sa Victoria, Laguna for a session sa CLP. Misyon ko nga to talaga. Fullfilling ang pakiramdam sa ganitong pagkakataong ngseserve ako Sa'yo. Sadya nga bang hindi mahirap mahalin ang trabahong kokonti lang ang sadyang tumatanggap. Isang bagay na ang tagal-tagal ko ng hinihintay na ibigay sa kin ng pagkakataon. Pero sadyang hindi pa ata ito nakalaan para sa kin. Baka hindi pa handa ang puso ko sa mga labang haharapin pagnakataon. Baka nga inihahanda mo pa ako.
        May mga taong alam na nila ang misyon nila sa buhay. Alam na nila kung ano sila pagdating ng panahon. Sa katulad kong di pa tapos ayusin ang sariling buhay, anong naghihintay na kapalaran? Noon di ko naman ninais na maging misyonero. Isang nakakatamad at boring na gawaing nakita ko sa buong buhay ko noon. Isang batang walang alam sa takbo ng realidad ang papel ko noon sa lipunan. Isang batang namumuhay sa maayos at saktong buhay na ang alam nya maayos naman ang lahat. Ngunit, isang pagkakataon rin lang pala ang babago ng mga pananaw na alam ko noon. Isang pangyayaring bumago sa takbo ng noo'y okay na buhay sa mata ng lahat at sa mata ko.
       Isa ako sa libong kabataang sumabak sa tinawag nilang Youth Camp. 350 pesos ang registration. Annngggg maaahhhaaalll nnnnaaaman nyan! yun ang sinabi ko sa mommy at daddy ko noon. Ano ba yang pinapasabak nyo sa kin? Alive, alive? Pero sige. Dahil ayaw ko madisappoint sila. Pumanta ako. Kasama ko mga pinsan ko. Naghahanap ako ng cute noon. Sa katulad kong 13 years old crush ang habol ko noon. 
                            " Neng, tatlong araw ka doon sa Paciano Elementary School.. " 
                             sabi ni daddy.
                 
                 Di ako sanay sumama sa mga ganong trip. Ano bang gagawin ko doon? Pero sige. Sabay sa agos lang ng sinabi nila. Di ko naintindihan yung mga sinabi ng bawat talks. Pero ang natatandaan ko, may nagbasag ng platito. Yun yung unang pagkakataong may nakita akong taong emosyonal sa harap ko. Bigla akong nagising. Biglang ako napabalik sa kung anong nangyayari noong mga oras na yon. Isang Youth Camp na sinundan pa ng napakadaming camp. Regional, International.. Sama ako. Syempre sabi ulit ng parents ko eh. Pero sa bawat talks, bawat taong ngsasalita sa harap. Sa bawat Youth Camp, sa bawat simpleng pag-seservice team, sa bawat prayer at worship na napupntahan, tila palaging may isang lalaki akong nakikita tuwing pumipikit ako. Isang lalaking di ko maaninag sa twing nagdadasal.  

                  Sa bawat taong lumilipas. Kung saan-saan na rin ako napadpad. Iba't-ibang lugar na tila tinatawag ako para mag-serve. Iba't-ibang mukhang nakakasalamuha at nakikilala at nagiging kaibigan ko. Pero sa paglipas nga naman ng panahon, ang dami ng nagbago. Isang bata na minsa'y umatend lamang ng youth camp. Isang pagkakataong bumago sa takbo ng buhay ko. Paano pala kung di ako sumama noon? Kung pinilit kong di umatend? Ganito pa rin kaya ka-fullfill ang pakiramdam? Ganito pa kaya ang pagdaraanan ko? Ganitong landas pa rin pa kaya ang tatahakin ko? 

To be continued...

                



No comments:

Post a Comment