Missyonero Part 2
Sabi nila, may mga bagay na para sa'yo at may mga bagay na hindi para sa'yo. Pero para sa kin, may mga bagay na pwedeng ipilit ilaan para sa sarili kung alam mong dapat sana'y para sa'yo ito. (Naks!) Tyaga, tamang panahon, pasensya matatag na puso at si Kristo ang mga kakailanganin mo para dito. Survival of the fittest ika nga nila. Patatagan ang labanan. Yun ang uso sa ngayon. Dahil may mga hamon ang buhay na sadyang nakalaan lamang para sa'yo. at walang ibang pwedeng maka-full fill kundi ikaw lang. Kanya kanya tayong papel sa buhay. Matira matibay.
Di nga talaga matandaan ang saktong lugar, araw, panahon at pagkakataon kung kailan ko nasabi sa sarili ko ito na ang gusto kong daan na tahakin. Naalala ko lang nung bata ako, sa tuwing tatanungin ako ng kung sino man ang crush ko, ang isasagot ko agad. "Wala po.. Magmamadre po ako.." Pero sa pagkakataong ito, iba na pala ang pinag-uusapan. Nakataya ang buhay, prinsipyo at pananaw mo. Maraming beses kang susubukan. Maraming beses kang madadapa at sadyangf mararamdaman mo na lng na ang sakit pala. Minsan di mo pansin ang laki na pala ng sugat at malalim pa ang masaklap don. Ang salitang Full-Time Pastoral Worker ay ang mga salitang paulit-ulit umuulit sa damdamin ko hanggang sa tenga papuntang utak. Parang LSS ang dating. Lumalakas kada isang dasal. Tumitindi sa bawat worship at sa bawat mga taong nakakasalamuha mo. At lalo na kung makikita mo ang misyon mo ay yung mga taong nakapaligid sa'yo.
Si Kuya Omeng na siguro yung isa sa mga unang taong naka-impluwensya sa kin na gawin to pangalawa sa mga magulang ko. Pero bukod sa impluwensya, crush ko muna sya. Haha. Sa kanya ko unang nakita si Kristo. Di ko rin naman pinagtutuunan ng pansin noon. Ang akala ko uso lang talaga ang ganon. Sa mga oras na nakasama ko sya, ginabayan nya ko sa pagkilala sa Kanya. Tumayo syang kuya ko. Sayang na nga lang at kasama na rin sya ni Lord ngayon. Ganun pala nag pakiramdam. Isang tawag sa loob ng sarili mo. Hindi mo alam kung sasagutin mo o sadyang isang missed call lang nag nagaganap.
Pangarap ko pa rin naman ang maging Full Time Pastoral Worker ni Kristo. Hindi man sa YFC, kahit saan mo ako dalhin, papayag ako. Di ko nga alam kung anong transformation ang naganap sa kin habang dumadaan ang mga taon. Isang uso lang to dati hanggang sa ito na rin pala yung ginugusto talaga ng puso ko sa ngayon. I know i can still be a missionary in my own littliest ways. Patuloy ko itong tutuparin. Pilit ko paring ihahanda tong pusong ilang beses ng sumubok, pumalpak, nadapa, bumabangon at patuloy na lumalaban para Sa'yo. Kanya-kanyang tamang panahon lang yan. Kung kailan, Ikaw na po makakapagsabi. Salamat po at patuloy nyo lang pinatatag tong pusong minsan ng nagduda, nagalit at nagtampo. Pero sa kabila ng lahat patuloy mo pa rin po akong minamahal. Kaya handa po ako sa anumang planong gusto mong gawin sa buhay ko. Tulungan mo po ako na maging plano ko rin yung mga plano mo po sa akin, Ama.
No comments:
Post a Comment